Buhay IA
Work day na naman bukas. Gising na naman ng maaga. Nakakapagod na. Di na ako makapagpigil. Gusto ko nang ilabas lahat ng nararamdaman ko. Parang drama noh? Hehe :P
Tatagalugin ko na lang to. Nakakapagod na mag-Ingles.
Kakaiba talaga ang IA, lalo na ang IA ko. Ako lang kasi ang only IA student sa company namin. So wala talaga akong makarelate sa work. At alam niyo naman ang personality ko: di ako kaagad nag-oopen up sa iba unless ibang tao ang magbibigay ng effort para maka-open up ako sa kanila. Kaya wala talaga akong makausap sa kompanya. Busy kasi ang lahat ng empleyado sa pagtatrabaho. Minsan naman kung walang ginagawa ang lab boss ko, naglalaro or nagsusurf lang siya sa computer. Malaki din kasi age gap namin, at medyo tahimik din talaga siya na tao. At kung may usapan man sa opisina, eh intsik naman ang linguaheng ginagamit. Buti na lang at hindi lang ako ang di intsik sa office namin. Anyway, ang opisina pala ng department namin ay nasa loob ng lab. So yung mga technician sa lab parang "officemates" na rin namin. Lahat pala ng technician sa lab namin ay mga pana. Kaya may sarili din silang usap-usapan. Hehe. Whole day, nakasarado lang talaga ang bunganga ko, except lang kung tatanungin ako ng boss ko about work stuff, or kung may tumawag man sa akin na kaibigan o kakilala sa school. Basta, feeling ko para na akong baliw kasi kinakausap ko na lang sarili ko. And mind you, everyday yan! (except Saturdays, Sundays & Public Holidays =P) Kaya nga pag nag meet-up ang NTU Pinoys, napapansin ng iba na napaka active ko. Happy lang kasi ako na may nakakausap ako. Tsaka gusto ko rin lang talagang mag-share. Kaya ayan, solved na ang mystery ng aking weird behavior.
Nakakapagod din talaga ang IA. 6:30 ko kailangan magising. Tapos kung kulang man ang tulog ko, di ako makarest. Bawal kasi matulog sa office. Pag lunch break naman ay di ako makatulog. Ewan ko ba bakit. Basta di comfortable tulugan yung desk ko. Kaya sa bus pauwi na lang ako natutulog. Pero napapagod pa rin ako kahit 8 hours tulog ko. Haay. Kung ganito man ang working life eh ayoko nang magtrabaho. Haaaay.. At ngayon, na-appreciate ko better ang father ko. Dati kasi pag umuuwi siya from work, parati siyang wala sa mood. Pagod daw siya blablabla, kaya di namin siya pwede istorbohin. Dati di ko talaga maintindihan bakit bad mood siya parati. Ngayon ay alam ko na. Ngayon di na ako nag-oonline sa MSN kasi nakakapagod na magdeal with other people. Ang tanging ginagawa ko na lang sa room pag gabi ay manood ng tv shows at magsurf sa internet.
Anyway, back to the office. Minsan boring. Wala akong ginagawa. Nagcocomputer lang. At NAKAKAANTOK TALAGA pag nakatitig ka lang sa computer for ilang hours. At yun nga, bawal matulog. Kaya kahit wala akong ginagawa sa work, napapagod pa rin ako after.
Minsan nagwowonder ako. Paano kung sa ibang company ako nag-IA? Si Ivy kasi, sa ICES nagtatabaho. Marami silang students dun. At galing pa sa iba't-ibang universities. Tsaka medyo flexible din schedule niya. Pwede siya magday off or something (basta I think di lang madalas). Minsan nga naiinggit ako. Parang ang saya ng buhay niya. Tapos doon niya pa nameet boyfriend niya. Paano kaya kung natanggap ako sa HP? Or kung nag-apply ako sa ibang company? Magiging masaya kaya ako? Kasi ngayon, medyo depressed talaga ako. Parang gusto kong lumipat. Pero too late na. Nakakaaliw naman yung work ko sa company. Ang environment lang talaga ang di ko ma-take. Haay, buhay nga naman.
Ang haba na pala nito. At malapit na mag 1! Oh no! Kailangan ko na matulog. May work pa bukas. Buti na lang Friday na bukas. Last work day of the week! =D
Adios!
